Lunes, Hunyo 29, 2015

Ortograpiya ng wikang Filipino


                                                        Ortograpiya ng wikang Filipino


                                                                     
Introduction       
               •Ang mga mananaliksik ay nangagkakaisa na ang ating mga ninuno’ymay sarili nangkalinangan at sibilisasyonbago pa naman dumating ang kastila. Bukod sa pagkakaroon na ng sistema sa pagsulat gamit ang kanilang alpabeto na tinatawag nilang alibata. Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing apat na katinig.

                                                        Ang alibata


Ang pagbabago   
           •Sa pagdating ng mga kastila napalitan ang lumang alibata ng alpabetong romano.itinuturing ngang isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga kastila ang Romanisasyon ng ating alpabeto. Tinuruan ng mga kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong romano. Ang mga titik ay tinawag nang pa-kastila, alalaong baga’y nakilala sa tawag na Abecedario.


                                               Ang 
Abecedario


    Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsusulat. May mangilang-ilangmatatalino bagama't gumagamit ng Abecedarioay nag pasyang magsalamin ngtatak-pilipino sa pagsulat. Isa sa kanila ay ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose rizal.
             
          Bunga ng pagpapahintulotng pagpapalimbagng diksyunaryo at aklat sa gramatikang wikang pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan noong 1940, binalangkas ni Lope K. santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik miyon. ang abakada ay binubuo ng dalawampung titik.


             
                                              
   Ang ABAKADA                                    
        

             Noong 1971, nadama ang di kasapatan ng dating abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga pantaning ngalan. bunga nito, nilikha ng surian ng wikang pambansa ang lupong sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng ilang public hearings ang lupon sa pambansang wika ng kumbensyong konstitusyunal. makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng lupongsangunian ang kanilang pasyang dagdagan ang labing isang titik ang dating abakada. iminungkahi nila idagdag ang mga sumusunod: C,CH,F,J, enye, LL,Q, RR, V, at Z. na gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantaning ngalan.



              Hindi pa mang ganap nalilinaw ang mga tanong na kaugnay ng mungkahi ng lupong sangunian, inilathala ng sangunian ng surian ng wikang pambansa ang tuntunin sa palabaybayang pilipino noong abril 1,1976. kaugnay nito, ipinalabas ng kagawaran ng edukasyon at kulturanoong hulyo 30, 1976 ang memorandum pangkagawaran blg. 194 upang pagtibayin. ang nasabing tuntunin ng palabaybayan nito. Ilan sa kanilang mga argumento ay ang mga sumusunod:

          1. hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paanoito pagsusunud-sunurin.

          2. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pag babalangkas ang alpabetong may digrapo.



              Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng kalituhan lalo na sa mgabatang nagsisimula pa lang matutong sumulat at bumasa sa mga paaralangprimarya, ang mga mungkahing pagbabagoay hindi tinanggap ng taong-bayan

              Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawampu't walong titik na tinawag nang pa ingles.

                                                 Ang alpabeto



                Mapapansing ang mga titik ng bagong alpabeto ay mula sa dalawampung titik sa dating abakada na dinagdagan lamang ng walong bagong titik na gagamitin sa pagbabaybay ng mga pangalang pantangi, salitang hiram salitang pang agham. mapapansin din ang walong dagdag na letra ay mula naman sa labing-isang iminungkahng idagdag noong 1971. hindi na lamang isinama ang mga digrapong CH, LL at RR para sa ekonomiya o pagtitipid. pinatili na lamang ang digrapong NG dahil ito ay tatak na ng ating katutubong alpabeto.


group members:
JONATHAN LEDESMA 
JAM ENCARNATION
 MARIA PAANOD 
JOLINA TORRES JHENNA MAE LAUDATO CHRISTINE MARIFOSQUE MENDOZA JEWEL  



1 komento:

  1. Casino | Dr.MCD
    Explore the 강원도 출장마사지 casino, hotel, restaurants, 남원 출장안마 gaming and 화성 출장안마 entertainment at Dr.MCD in St. Louis. Dr. Casino. 부산광역 출장샵 St. 원주 출장마사지 Louis, MO 60602, MO 60602.

    TumugonBurahin